Don’t worry, be happy!

July 26, 2008

Top 5 difference ng taong GUSTO mo sa taong MAHAL mo

Filed under: A Little Something, Love/Heart Talks - kAreN @ 12:49 am

5. Hindi ka makatitig sa taong GUSTO mo, pero hindi maalis ang mga mata mo sa taong MAHAL mo.
*** yan ang unang unang mapapansin mo, dahil sa totoo lang halos hindi mo kayang tignan ng matagal ang taong gusto mo pero tuwang-tuwa ka naman tuwing tititigan mo ang taong mahal mo.

4. Kapag umiiyak ang taong GUSTO mo, aaluhin mo siya pero kapag MAHAL mo ang umiiyak, hindi mo napapansin na maging ikaw sa sarili mo ay umiiyak din.
*** kadalasan kasi kapag nakikita nating down ang taong gusto natin we will do anything just to brighten their feelings pero pansinin ninyo na kapag yung’ taong napakahalaga at mahal natin ang nasasaktan ramdam na ramdam din natin.

3. Nahihiya ka sa harap ng GUSTO mo pero kapag nasa harap ka ng taong MAHAL mo natural lang lahat ng kilos mo.
***pansin na pansin din to’ kasi kapag gusto natin ang isang tao we give our best foot forward para magpa-impress pero kapag nasa tabi na tayo ng taong mahal natin kahit na magmukha tayong tanga parang ayos na ayos lang lalo na’t para sa kanila ang ginagawa natin [am I right?]

2. Kapag ikaw naman ang tinitignan at tinititigan ng taong GUSTO mo magba-blush ka pero kapag yung taong mahal mo ang makikita mong nakatitig ‘sayo mapapangiti ka sa sobrang kakiligan.
***aminin ninyo, pansin na pansin naman diba, na kapag ‘yung crush o ‘yung gusto natin ang nakatingin may blush pero kapag ‘yung taong mahal natin hindi lang blush, nandyan pa yung mapapangiti ka na lang ng hindi mo napapansin.

1. kapag nagyaya yung taong GUSTO mo papayag kang sumama pero kapag MAHAL mo ikaw mismo ang gagawa ng paraan para makasama siya.
***ang pinaka matinding pangitain kung mahal mo ang isang tao ay kung ikaw na mismo ang gumagawa at nagiisip ng paraan para maextend ang pagsasama niyo.

2 Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://cutekhartz.blogsome.com/2008/07/26/top-5-difference-ng-taong-gusto-mo-sa-taong-mahal-mo/trackback/

  1. uist bago 2 ha..hehe…
    hmm,...tama jud ka karen.!
    hahay…!
    panu kung wla talaga ????

    Comment by michael — August 7, 2008 @ 7:06 pm

  2. heheh…nka reLate ka nOh??!

    hmmp!

    oie…

    Comment by kAreN — August 19, 2008 @ 2:00 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>



Anti-spam measure: please retype the above text into the box provided.

Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Alex King